Ang mga Helpers: Opisyal na Topic / Aplikasyon para sa PH: [Sarado] |
Tyyphoon « Citoyen » 1438507860000
| 5 | ||
Ang mga Helpers ay mga manlalaro ng Atelier 801 na handang magbigay tulong at gabay sa ibang mga manlalaro na may mga katanungan pa-ukol sa laro. Ang mga Helpers ay orihinal na binuo ng manlalaro na si How. Ang grupo ay itinatag noong ika-20 ng Setyembre, 2011 at matatag na tumatakbo simula noong panahong iyon. Ang layunin namin ay matulungan ang mga manlalaro na sagutin ang kanilang mga katanungan at mabawasan ang mga mensaheng nakukuha ng mga tauhan ng Atelier 801. Ang mga lider ng Proyektong Helpers ay sina Haruhitastic (EN) at Ratacp (ES). Salamat sa mga dating lider ng proyektong ito: Minkee, How, at Sabusha!
Paano maging miyembro ng Helpers? Kadalasang binubuksan ang aplikasyon kapag sa tingin namin ay nangangailangan kami ng mga miyembro. Kapag binuksan ang aplikasyon, isang anunsiyo ang ipapaskil sa thread na ito, at magbabago ang pamagat upang sumalamin sa anunsiyo. Ang mga Helpers ba ay tauhan ng Atelier 801? Hindi. Hindi sila opisyal na parte ng mga tauhan ng Atelier801. Hindi rin sila itinuturing na parte ng mga tauhan ng Cheeseformice. Ilang taon ako kailangan maging upang maging Helper? Mayroon bang limitasyon sa edad katulad nang kailangan upang maging tauhan ng Atelier 801? Kadalasan na mas gusto namin na ang manlalaro ay nasa edad na 15 years old o mas matanda pa, ngunit maaari kaming gumawa ng eksepsiyon kung ang manlalaro ay nagpapakita ng pagiging mature. Ano ang maaaring makabawas sa pagkakataon ko na makasali sa pangkat?
Ang isang Helper ay nagpakita ng bastos na pag-uugali sa akin! Ano ang dapat kong gawin? Magpadala ng mensahe sa lider ng mga Helpers sa loob ng laro o sa pamamagitan ng Cheeseformice. Huwag kalimutan na ipaliwanag kung ano ang nangyari, magbigay ng mga screenshot o anumang patunay na mayroon ka. Huwag magsinungaling o gumawa ng maling ulat patungkol sa Helper upang mapatalsik sila sa kanilang posisyon. Mayroon akong problema sa isang lider ng isang partikular na komunidad, mayroong katibayan, at sa tingin ko na sila ay dapat maparusahan. Sino ang dapat kong kausapin? Sa kasalukuyan, mayroong tatlong internasyonal na lider ng mga Helpers: Haruhitastic, Shambelbabel, at Ratacp. Sila ang mga taong maaaring makatulong sa iyong mga isyu sa lider. Magbigay mensahe sa kanila sa pamamagitan ng pag-uusap sa CFM, o sa #TFMHelpers. channel sa IRC. Hindi alam ng isang Helper kung ano ang dapat niyang gawin! Hindi ba dapat siya na patalsikin? Importante para sa inyong kaalaman na tao lang din kami, at hindi namin alam ang lahat. Ang mga tao ay may iba’t-ibang antas ng kaalaman, o kadalubhasaan sa iba’t-ibang parte ng mga laro. Halimbawa, hindi ka makakakuha ng maraming impormasyon tungkol sa Fortoresse mula sa isang Helper ng Bouboum. Mangyari man ito, subukang maglaan ng pasensya kung hindi man agad na masagot ang iyong mga katanungan.
Kung nais mong kausapin ang isa sa mga Helpers, bumulong kay Cfmbot (o Sourbot!) sa pamamagitan ng command “helperlist (iyong komunidad)” (Halimbawa: /c Cfmbot helperlist PH) o tingnan ang aming listahan ng mga online dito. Panatilihing mulat ang inyong mga mata dito, may ilang mga kagiliw-giliw na bagay-bagay ang paparating~ ;) Hello! Maaari ka nang mag-aplay para sumali sa Helper Team ng komunidad ng Pilipinas! :) Para mag-aplay, kailangang ikaw ay isang mature at aktibong manlalaro na mahigit kalahating taon nang naglalaro, palakaibiganin, at sabik tulungan ang mga miyembro ng iyong komunidad. Kahit na mas gugustuhin namin na ang iyong unang wika ay Tagalog, kung marunong ka namang mag-Tagalog at may ilang taon ka nang karanasang magsalita ng Tagalog, maaari ka ring mag-aplay. Alalahanin mong lahat ng mga aplikasyon ay babasahin ng taong ang unang wika ay Tagalog. Kaya wag mo kaming subukang utuin sa pamamagitan ng paggamit ng Google Translate! Lahat ng mandaraya ay awtomatikong diskuwalipikado. Para mag-aplay, mag-send ka ng mensahe kay CFM Helper na may pamagat na "PH Helper Application." Pormularyo ng aplikasyon: a dit : Dernière modification le 1440304920000 |
0 | ||
Goodluck :) |
Ratacp « Consul » 1440305520000
| 3 | ||
Mabigat sa damdamin na mayroon akong ibabalita na si Shambelbabel ay hindi na Lider ng International Helper. Gayunpaman, siya ay magiging parte pa rin ng RU Helpers. Maraming salamat sa lahat ng iyong oras, tulong, at dedikasyon. Ito ay talagang pinapahalagahan. |
Costmarc 1457415240000
| | ||
[Modéré par Asmodan, raison : Spam] |
The_unknown « Citoyen » 1461256440000
| 0 | ||
Mag apply ako Sooner or Later |
The_unknown 1462704180000
| | ||
[Modéré par Asmodan, raison : Double-post] Dernière modification le 1472794500000 |
X3m123 « Citoyen » 1480679520000
| 0 | ||
Pano Mag apply para maging helper ? nais ko sanang maka tulong sa pagiging parte ng grupo kung makakapasok ako gayun din hindi naman ako mainisin nang baban lang ako pag sobra na like stick run |
The_unknown « Citoyen » 1480745400000
| 0 | ||
x3m123 a dit : Application for Heplers: http://atelier801.com/topic?f=5&t=798804&p=1#m6 |
Selusha « Citoyen » 1492595340000
| 0 | ||
nahanap ko lang. :http://a801helpers.com/?lang=ph |
The_unknown « Citoyen » 1492605000000
| 0 | ||
Viamarriane a dit : Hindi ko alam may official application site sa helpers. |
0 | ||
sasali ako :) |
0 | ||
Ang Laki Ng Team Na Ito Sasali Rin Ako :D Malaki Na Tiwala AKo Sainyo Leaders |