×

Langue

Fermer
Atelier 801
  • Forums
  • Dev Tracker
  • Connexion
    • English Français
      Português do Brasil Español
      Türkçe Polski
      Magyar Română
      العربية Skandinavisk
      Nederlands Deutsch
      Bahasa Indonesia Русский
      中文 Filipino
      Lietuvių kalba 日本語
      Suomi עברית
      Italiano Česky
      Hrvatski Slovensky
      Български Latviešu
      Estonian
  • Langue
  • Forums
  • /
  • Atelier 801
  • /
  • Discussions
  • /
  • Contact Form - Mga tulong at tips
Contact Form - Mga tulong at tips
Tyyphoon
« Citoyen »
1433449320000
    • Tyyphoon#0095
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#1
  5
  • Intro
  • Problema sa Pagbabayad
  • Pagbabago ng Email
  • Pinagbawalan na account
  • Nakalimutang password
  • Problema
  • Feedback
  • Kaugnayan sa Business
  • Iba
http://www.transformice.com/wp-content/uploads/2012/01/sourislettre.pngMga payo at tulong tungkol sa contact form
http://www.atelier801.com/contact

Kung alam mo na kung ano ang contact form at kailangan mong gamitin ito, gamitin ang mga tab upang makapunta sa kategorya na kailangan mo.

Pangkalahatang mga katanungan at sagot:

T. Ano ang contact form?
S. Ang contact form ay ang paraan na opisyal mong maabot ang mga admin ng Atelier 801. Ang mga moderador ay hindi nagbabasa at walang ugnay sa contact form, tanging ang mga admin lamang.

T. Kailan ko ba gagamitin ang contact form?
S. Kailangan mo lamang gamitin ang contact form kapag mayroon kang problema kung saan hindi makakatulong sayo ang available staff. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, basahin ang Staff FAQ. Maaari ka ring i-redirect ng mga moderador sa contact form.

T. Mayroon ba kayong pangkalahatang payo sa pag- sagot sa contact form?
S. Oo, iyan ang tungkulin ng thread na ito. Ituloy ang pagbabasa.

  • Madetalyeng ipaliwanag ang iyong sitwasyon at gamitin ang mga impormasyon sa mga tab ng thread. Matatagalan ang pag-reply: maaari mong pabilisin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpadala ng isang mensahe lamang.
  • Kung maaari, isulat sa isa sa mga wikang ito: Pranses, Ingles, Portuguese o Turkish. Para sa mga wika na ito ay may isang admin na kasalukuyang nagtatrabaho sa Atelier 801. Maari namang magsulat sa ibang wika ngunit mas matatagalan ang pagsasagot nito dahil kailangan pang isalin ang iyong mensahe. Tiyakin na maliwanag ang iyong mensahe at iwasan ang paggamit ng mga daglat maliban kung ito ay kinakailangan.
  • Kung hindi ka makakuha ng sagot sa loob ng dalawang linggo, muling ipadala ang iyong kahilingan. Bilang tulad, matalinong gawain ang pag-save ng iyong mga isinulat bago ipadala ang iyong form!

Kategorya: Problema sa Pagbabayad


http://i.imgur.com/5QGA66o.png
IMPORTANTE: Unang gamitin ang thread na ito. Kung walang solusyon para sa iyo doon, gamitin ang contact form.

Kailan ito dapat gamitin:
  • Ikaw ay hindi makabili ng presa at hindi makahanap ng solusyon sa iyong problema sa forums.
  • May mali sa iyong bayad at nawala mo ang pera nang hindi nakakakuha ng fraises.

Siguraduhing idagdag ang mga sumusunod sa form:
  • Maging malinaw sa kung anong problema: nawala mo ba ang pera? Saan nagka-problema sa pagbabayad habang bumibili ka?
  • Isama ang kahit anong kasaysayan ng iyong kabayaran na mayroon ka o kahit anong transaction details.
  • Mahahalagang impormasyon: Ang iyong operating system (e.g. Windows 7 x64), Browser (e.g. Chrome), Adblockers, atbp..
  • Anumang bagay na maaaring maging kaugnayan sa iyong problema.

Posibleng kalabasan:
  • Kung mayroon kang sapat na ebidensya, maaari kang makakuha ng buong refund.
  • Maaari ka ring makatanggap ng tulong sa susunod na bibili ka ulit..
  • Hindi ka, sa anumang sitwasyong, mabibigyan ng presa batay sa iyong sulat.

Kategorya: Pagbabago ng Email


http://i.imgur.com/5QGA66o.png
IMPORTANTE: Upang mabago ang iyong email, kailangan mong mapatunayan na ikaw ang lehitimong may-ari ng account.

Kailan ito dapat gamitin:
  • Nakalimutan mo ang iyong email address.
  • Hindi ka na magkakaroon ng access sa iyong email address at hindi mo mabawi ang access.
  • May ibang tao na nagnakaw ng iyong password at naka-ugnay ang kanilang email sa iyong account.

Upang mapatunayan na ikaw ang may-ari ng account, ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
  • Ang pangalan ng iyong Transformice account.
  • Anong server ka kadalasang naglalaro?
  • Ano ang email address na nakaugnay sa iyong account?
  • Sa aling lungsod/bansa mo nilikha ang iyong account?
  • Ang iyong kasalukuyang IP address (Gamitin ang http://www.whatismyip.com/ kung hindi ka sigurado).
  • Ang listahan ng iyong parusa: ito ang lista ng mga mutes at bans na iyong natanggap. Matutulungan ka ng moderator tungkol dito.
  • Ang bilang ng presa na nabili mo, kasama na din ang mga petsa ng iyong pagbili at kung saan mo ito binili (e.g paypal, sms, atbp.).
  • Listahan ng mga gumagamit ng account mo (kapatid, kaibigan, atbp.).
Batay sa sitwasyon, ikaw ay maaaring tanungin ng mga karagdagang impormasyon.

Huwag kalimutang magbigay ng balidong email address na gusto mong ipalit sa iyong kasulukuyang ginagamit!

Posibleng kalabasan:
  • Kapag maayos na ang lahat, Ang email mo ay mapapalitan at pwede mo iyon gamitin para palitan ang iyong password.
  • Ang Atelier 801 ay hindi sa ilalim ng anumang bagay-bagay mag-bubunyag ng pribadong impormasyon tungkol sa kasalukuyang email address o kung sino ang nagnakaw ng iyong account, kaya huwag magtanong!


Kategorya: Pinagbawalan na account


http://i.imgur.com/5QGA66o.pngIMPORTANTE: Bago gumamit sa contact form, basahin ang Ban/Mute appeal tab sa Staff FAQ at sundin ang mga tagubilin. Sa pamamagitan nito makakatipid ka ng oras.

Kailan ito dapat gamitin:
  • Naniniwala ka na hindi wasto ag pagbawal sayo paglalaro, ngunit tumanggi ang Moderador na i-unban ang account mo.
  • Naniniwala ka na hindi wasto ag pagbawal sayo paglalaro at hindi mo makakausap ang moderador na nagpabawal sayo.
  • Sinabihan ka ng moderador na gumamit ng contact form na may ganitong kategorya.

Ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
  • Kelan ka na ban, gaano katagal ang iyong ban, ano ang dhailan sa iyong ban?
  • Sino ang nag-ban sa iyo? Kung hindi mo alam, mag contact ng moderador (tignan ang Staff List).
  • Nakausap mo ba ang moderador na nag-ban sa iyo? Kung oo, ano ang sinabi niya sa iyo?
  • Nakausap mo na ba ang ibang miyembro ng staff? Ano ang sinabi nila sa’yo?
  • Anong ginagawa mo noong na ban ka? Saang room ka, anong server, at sino ang nandoon kasama mo?
  • Bakit mo nasabing hindi makatarungan ang iyong ban? Kung sa tingin mo ay hindi ito makatarungan, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ka na-ban?
  • Karagdagang impormasyon na makakatulong.

Kategorya: Nakalimutang password


http://i.imgur.com/5QGA66o.pngIMPORTANTE: Kung may mabisa ka na e-mail na naka-ugnay sa iyong account, maaari mo mismong palitan ang iyong password sa login screen ng Transformice. Mas mabilis ito kaysa sa contact form!

http://i.imgur.com/5QGA66o.png
IMPORTANTE: Para mapalitan ang iyong password, dapat mong mapatunayan na ikaw talaga ang nagmamay-ari ng account.

Kailan ito dapat gamitin:
  • Nawala ang password at di mo mismong mapapalitan.
  • Kung may na-ugnay na email sa iyong account pero hindi mo ito magagamit, pumunta sa kategorya ng pagbabago ng email.

Upang mapatunayan na ikaw ang may-ari ng account, ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
  • Ang pangalan ng iyong Transformice account.
  • Anong server ka kadalasang naglalaro?
  • Ano ang email address na nakaugnay sa iyong account?
  • Sa aling lungsod/bansa mo nilikha ang iyong account?
  • Ang iyong kasalukuyang IP address (Gamitin ang http://www.whatismyip.com/ kung hindi ka sigurado).
  • Ang listahan ng iyong parusa: ito ang lista ng mga mutes at bans na iyong natanggap. Matutulungan ka ng moderator tungkol dito.
  • Ang bilang ng presa na nabili mo, kasama na din ang mga petsa ng iyong pagbili at kung saan mo ito binili (e.g paypal, sms, atbp.).
  • Listahan ng mga gumagamit ng account mo (kapatid, kaibigan, atbp.).
Batay sa sitwasyon, ikaw ay maaaring tanungin ng mga karagdagang impormasyon.

Huwag kalimutang isulat kung ano ang gusto mong maging bagong password!

Kategorya: Problema


http://i.imgur.com/5QGA66o.png
IMPORTANTE: Gamitin lamang ang kategoryang ito kung ang iyong problema ay hindi bagay sa alinmang mas tiyak na mga kategorya!

Kailan ito dapat gamitin:
  • Ikaw ay may problema sa isa sa laro ng Atelier 801, forums o sites na hindi sakop ng mga nakaraang kategorya.

Isulat ang mga sumusunod na bagay:
  • Ano ang eksatong problema? Maging tiyak at isulat ng detalyado upang makakuha ng tamang tulong o kasagutan!
  • Ano ang mga paraan na iyong sinubukan upang harapin ang problema bago pumunta sa contact form?
  • Ano ang iyong nais na gawin ng Atelier 801 tungkol sa iyong problema? Paano ito dapat lutasin?


Kategorya: Feedback



Kailan ito dapat gamitin:
  • Upang mag bigay ng detalyado at maliwanagna feedback tungkol sa anumang produkto ng Atelier 801 direkta sa Atelier 801.

Ikinalulugod ng Atelier 801 ang anumang feedback na mayroon ka. Hinihikayat nito na ang iyong feedback ay maging maliwanag at detalyado. Ang Atelier 801 ay susubukang i-address ang iyong feedback nang alinsunod.

Kung mayroon kang mga mungkahi sa anumang laro ng Atelier801, o bugs na i-rereport, Maaari mo rin itong gawin sa mga forum!
  • Transformice Suggestion Subforum.
  • Transformice Bug Subforum.
  • Bouboum Discussion Subforum.
  • Fortoresse Discussion Subforum.
  • Nekodancer Discussion Subforum.

Kategorya: Kaugnayan sa Business



Kailan ito dapat gamitin:
  • Kung mayroon kang mga alok o ideyas na may kinalaman sa negosyo para sa Atelier 801.


Kung mayroon kang problema sa pagbabayad, pakiusap magtungo sa Kategorya ng Problema sa Pagbabayad, Salamat ^_^

Kategorya: Iba



Kailan ito dapat gamitin:
  • Ang bagay na nais mong makipag-ugnayan sa Atelier 801 tungkol sa hindi naaayon sa alinman sa mga naunang mga kategorya.


Ilarawan ng maigi kung paano makakatulong ang Atelier 801 sa iyo.

Dernière modification le 1597423980000
  • Forums
  • /
  • Atelier 801
  • /
  • Discussions
  • /
  • Contact Form - Mga tulong at tips
© Atelier801 2018

Equipe Conditions Générales d'Utilisation Politique de Confidentialité Contact

Version 1.27