×

Langue

Fermer
Atelier 801
  • Forums
  • Dev Tracker
  • Connexion
    • English Français
      Português do Brasil Español
      Türkçe Polski
      Magyar Română
      العربية Skandinavisk
      Nederlands Deutsch
      Bahasa Indonesia Русский
      中文 Filipino
      Lietuvių kalba 日本語
      Suomi עברית
      Italiano Česky
      Hrvatski Slovensky
      Български Latviešu
      Estonian
  • Langue
  • Forums
  • /
  • Transformice
  • /
  • Archives
  • /
  • Ang mga Helpers: Opisyal na Topic / Aplikasyon para sa PH: [Sarado]
Ang mga Helpers: Opisyal na Topic / Aplikasyon para sa PH: [Sarado]
Tyyphoon
« Citoyen »
1438507860000
    • Tyyphoon#0095
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#1
  5
  • Impormasyon
  • Ang Pangkat
  • Mga Online na Helpers
  • Mga Balita
  • Aplikasyon

http://i.imgur.com/WxEFLrU.png
CFM Thread


Ang mga Helpers ay mga manlalaro ng Atelier 801 na handang magbigay tulong at gabay sa ibang mga manlalaro na may mga katanungan pa-ukol sa laro.
Ang mga Helpers ay orihinal na binuo ng manlalaro na si How. Ang grupo ay itinatag noong ika-20 ng Setyembre, 2011 at matatag na tumatakbo simula noong panahong iyon.

Ang layunin namin ay matulungan ang mga manlalaro na sagutin ang kanilang mga katanungan at mabawasan ang mga mensaheng nakukuha ng mga tauhan ng Atelier 801.

Ang mga lider ng Proyektong Helpers ay sina Haruhitastic (EN) at Ratacp (ES).
Salamat sa mga dating lider ng proyektong ito: Minkee, How, at Sabusha!

http://i.imgur.com/3DqdmD3.png
* - denotes subleader


  • http://i.imgur.com/DcLcJRz.png?1 EN: Haruhitastic, Shamousey
  • http://i.imgur.com/mUXLO1E.png?1 FR: Alexiax, Helpium
  • http://i.imgur.com/LKBlYFB.png?1 BR: Camhelper, Luucassssss, Excasr*
  • http://i.imgur.com/xSOXyen.png?1 ES: Ratacp, Bogkitty, Geoorg*, Cndalr*
  • http://i.imgur.com/s9esWUc.png?1 TR: --
  • http://i.imgur.com/GHz2yoW.png?1 RU: Shambelbabel, Cepto, Bushmeister*
  • http://i.imgur.com/WuxEHqO.png?1 HU: Vogul
  • http://i.imgur.com/ZzQ0VAH.png?1 ID: Xiaojiemei
  • http://i.imgur.com/G3RLGsL.png?1 NL: Jordynl
  • http://i.imgur.com/Mzh7YzP.png?1 PL: Staszekowaty
  • http://i.imgur.com/UZYdlMT.png?1 RO: Vamprett
  • http://i.imgur.com/Ywsj13g.png?1 VK: Maskulino, Dewilheart
  • http://i.imgur.com/QM0pJg4.png?1 CN: Winnielau
  • http://i.imgur.com/6CwuVrm.jpg?1 DE: Hashiro
  • AR: Safwanrockz


http://i.imgur.com/KG9V2dd.png


Paano maging miyembro ng Helpers?
Kadalasang binubuksan ang aplikasyon kapag sa tingin namin ay nangangailangan kami ng mga miyembro. Kapag binuksan ang aplikasyon, isang anunsiyo ang ipapaskil sa thread na ito, at magbabago ang pamagat upang sumalamin sa anunsiyo.

Ang mga Helpers ba ay tauhan ng Atelier 801?
Hindi. Hindi sila opisyal na parte ng mga tauhan ng Atelier801. Hindi rin sila itinuturing na parte ng mga tauhan ng Cheeseformice.

Ilang taon ako kailangan maging upang maging Helper? Mayroon bang limitasyon sa edad katulad nang kailangan upang maging tauhan ng Atelier 801?
Kadalasan na mas gusto namin na ang manlalaro ay nasa edad na 15 years old o mas matanda pa, ngunit maaari kaming gumawa ng eksepsiyon kung ang manlalaro ay nagpapakita ng pagiging mature.

Ano ang maaaring makabawas sa pagkakataon ko na makasali sa pangkat?
  • Hindi angkop na pag-uugali, katulad ng pang-iinsulto at pag-spam.
  • Hindi paglalaan ng oras upang masagot ang iyong aplikasyon. Kahit ito ay isang maliit at simpleng posisyon lamang, mabuti pa rin na maipakita ang inisyatiba sa pamamagitan ng paniniguradong ang iyong aplikasyon ay malinaw, maikli subalit puno ng impormasyon, at nagpapahayag ng mga bagay sa mabuting paraan.
  • Pagiging isip-bata.
  • Kung ikaw man ay nakatanggap ng ban sa Cheeseformice, Transformice, o Opisyal na forum ng Transformice, depende sa dahilan ng iyong kaparusahan.


Ang isang Helper ay nagpakita ng bastos na pag-uugali sa akin! Ano ang dapat kong gawin?
Magpadala ng mensahe sa lider ng mga Helpers sa loob ng laro o sa pamamagitan ng Cheeseformice. Huwag kalimutan na ipaliwanag kung ano ang nangyari, magbigay ng mga screenshot o anumang patunay na mayroon ka. Huwag magsinungaling o gumawa ng maling ulat patungkol sa Helper upang mapatalsik sila sa kanilang posisyon.

Mayroon akong problema sa isang lider ng isang partikular na komunidad, mayroong katibayan, at sa tingin ko na sila ay dapat maparusahan. Sino ang dapat kong kausapin?
Sa kasalukuyan, mayroong tatlong internasyonal na lider ng mga Helpers: Haruhitastic, Shambelbabel, at Ratacp. Sila ang mga taong maaaring makatulong sa iyong mga isyu sa lider. Magbigay mensahe sa kanila sa pamamagitan ng pag-uusap sa CFM, o sa #TFMHelpers. channel sa IRC.

Hindi alam ng isang Helper kung ano ang dapat niyang gawin! Hindi ba dapat siya na patalsikin?
Importante para sa inyong kaalaman na tao lang din kami, at hindi namin alam ang lahat. Ang mga tao ay may iba’t-ibang antas ng kaalaman, o kadalubhasaan sa iba’t-ibang parte ng mga laro. Halimbawa, hindi ka makakakuha ng maraming impormasyon tungkol sa Fortoresse mula sa isang Helper ng Bouboum. Mangyari man ito, subukang maglaan ng pasensya kung hindi man agad na masagot ang iyong mga katanungan.

http://i.imgur.com/6sQ3mQe.png
Ang aplikasyon para sa pangkat ng PH ay kasalukuyang bukas...

  • http://transformods.com/icons/c/v/PH.png Karque
  • http://transformods.com/icons/c/v/PH.png Rainee
  • http://transformods.com/icons/c/v/EN.png http://transformods.com/icons/c/v/PH.png Tyyphoon


Kung nais mong kausapin ang isa sa mga Helpers, bumulong kay Cfmbot (o Sourbot!) sa pamamagitan ng command “helperlist (iyong komunidad)” (Halimbawa: /c Cfmbot helperlist PH) o tingnan ang aming listahan ng mga online dito.

http://thegelu.com/tfm/helpers.php

http://i.imgur.com/OjGABvW.png


Panatilihing mulat ang inyong mga mata dito, may ilang mga kagiliw-giliw na bagay-bagay ang paparating~ ;)
Hello! Maaari ka nang mag-aplay para sumali sa Helper Team ng komunidad ng Pilipinas! :)

Para mag-aplay, kailangang ikaw ay isang mature at aktibong manlalaro na mahigit kalahating taon nang naglalaro, palakaibiganin, at sabik tulungan ang mga miyembro ng iyong komunidad. Kahit na mas gugustuhin namin na ang iyong unang wika ay Tagalog, kung marunong ka namang mag-Tagalog at may ilang taon ka nang karanasang magsalita ng Tagalog, maaari ka ring mag-aplay.

Alalahanin mong lahat ng mga aplikasyon ay babasahin ng taong ang unang wika ay Tagalog. Kaya wag mo kaming subukang utuin sa pamamagitan ng paggamit ng Google Translate! Lahat ng mandaraya ay awtomatikong diskuwalipikado.

Para mag-aplay, mag-send ka ng mensahe kay CFM Helper na may pamagat na "PH Helper Application."

Pormularyo ng aplikasyon:
a dit :

Pangkalahatan:
Ano ang iyong username?
Ilang taon ka na?
Taga-saan ka, at ano ang timezone mo?
Kung hindi Tagalog ang iyong unang wika, gaano ka kagaling mag-Tagalog?
Gaano ka kagaling mag-Ingles?
Marunong ka rin bang magsalita ng ibang wika? Ilista mo rito kung oo, at kung alin.

Please use this area to briefly introduce yourself in English, to gauge your skill. Tell us your name, age, location and hobbies.

Tungkol sa laro:
Gaano katagal ka nang naglalaro ng Transformice?
Sa aling komunidad ka kalimitang naglalaro?
Gaano ka kaaktibo? Ano ang kalimitan mong ginagawa kapag online ka? (Nakikipag-usap sa mga kaibigan, sa bahay-tribo, sa normal na silid, sa survivor, atbp.)
Gaano kadalas mo ginagamit ang Official Transformice forums o Cheeseformice forums?
Gaano kalawak ang kaalaman mo ng larong ito?
Sa aling aspeto ng laro sa tingin mo pwede kang ituring na eksperto?
Gaano mo ka-close ang komunidad ng Transformice?
Mayroon ka bang warnings/bans/mutes na natanggap sa laro?
Mayroon ka bang warnings/bans/mutes na natanggap sa CFM o sa Transformice forums?

Tungkol sa helper:
Paano at kailan mo nahanap ang Helpers?
Bakit ka namin pipiliin para maging miyembro ng aming team?
Ano'ng mga dahilan kung bakit 'di ka namin dapat piliin?
Bakit gusto mong maging helper?

May iba ka pa bang gustong idagdag?


Dernière modification le 1440304920000
Cyrus
« Citoyen »
1438523280000
    • Cyrus#9325
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#2
  0
Goodluck :)
Ratacp
« Consul »
1440305520000
    • Ratacp#0010
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#3
  3
Mabigat sa damdamin na mayroon akong ibabalita na si Shambelbabel ay hindi na Lider ng International Helper. Gayunpaman, siya ay magiging parte pa rin ng RU Helpers. Maraming salamat sa lahat ng iyong oras, tulong, at dedikasyon. Ito ay talagang pinapahalagahan.
Costmarc
1457415240000
    • Costmarc#0000
    • Profil
    • Derniers messages
#4
[Modéré par Asmodan, raison : Spam]
The_unknown
« Citoyen »
1461256440000
    • The_unknown#1751
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#5
  0
Mag apply ako Sooner or Later
The_unknown
1462704180000
    • The_unknown#1751
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#6
[Modéré par Asmodan, raison : Double-post]

Dernière modification le 1472794500000
X3m123
« Citoyen »
1480679520000
    • X3m123#0000
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#7
  0
Pano Mag apply para maging helper ? nais ko sanang maka tulong sa pagiging parte ng grupo kung makakapasok ako gayun din hindi naman ako mainisin nang baban lang ako pag sobra na like stick run
The_unknown
« Citoyen »
1480745400000
    • The_unknown#1751
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#8
  0
x3m123 a dit :
Pano Mag apply para maging helper ? nais ko sanang maka tulong sa pagiging parte ng grupo kung makakapasok ako gayun din hindi naman ako mainisin nang baban lang ako pag sobra na like stick run sa stick run game helper ako ditu pa kaya pano ba mag apply ?

Application for Heplers: http://atelier801.com/topic?f=5&t=798804&p=1#m6
Selusha
« Citoyen »
1492595340000
    • Selusha#0766
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#9
  0
nahanap ko lang. :http://a801helpers.com/?lang=ph
The_unknown
« Citoyen »
1492605000000
    • The_unknown#1751
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#10
  0
Viamarriane a dit :
nahanap ko lang. :http://a801helpers.com/?lang=ph

Hindi ko alam may official application site sa helpers.
Jiem
« Citoyen »
1500867840000
    • Jiem#5326
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#11
  0
sasali ako :)
Adqng
« Citoyen »
1505792940000
    • Adqng#9416
    • Profil
    • Derniers messages
    • Tribu
#12
  0
Ang Laki Ng Team Na Ito Sasali Rin Ako :D Malaki Na Tiwala AKo Sainyo Leaders
  • Forums
  • /
  • Transformice
  • /
  • Archives
  • /
  • Ang mga Helpers: Opisyal na Topic / Aplikasyon para sa PH: [Sarado]
© Atelier801 2018

Equipe Conditions Générales d'Utilisation Politique de Confidentialité Contact

Version 1.27